Dear Mr. President Du30

Dear Mr. President

Isa po akong walang-aral Kung ikukumpara sa iyong Educational Attainment, pero Hindi ko Lang po lubos maisip Kung bakit tayo nagkukulang sa pondo.

  1. Taon-taon po ay dinidinig sa senado Kung saan ia- allocate ang mga pondo Ng mga ahensya na Hindi nagamit. Kapapasok Lang po Ng Taon pero bakit Wala na agad pondo at bakit iisipin pang mangutang?
  2. Bawat bayan po ay may kanya-kanya alokasyon na pera na galing sa National government taon-taon at bakit hirap parin mamigay Ng ayuda Ang Ilan?
  3. May mga Pork Barrel po sila(not to mention) bakit Hindi Yun Ang bawiin nyo at ipamahagi sa mga tao(Kasi Yung mga may Pork Barrel ay nag volunteer mag home quarantine at ayaw lumabas)

Bakit Kasi binibigyan nyo Ng malaking halaga Ang mga buwaya? Yan tuloy natutulog sa kangkungan

  1. Gaya po ng nasabi ko, kakapasok palang Ng Taon at parang ubos na agad Ang pondo? Pwede nyo naman bawiin muna Ang pondo gaya Ng sa: DPWH, (halimbawa Lang) o bawasan
    pondo ng ibang ahensya. Hindi naman po siguro hihinto ang ekonomiya sa maliit na pondo na ibabawas.
  2. May problema po ata sa distribution Ng ayuda? Priority nyo Ang “poorest of the poor” paano naman Yung mga middle class “kuno” na isang kahig-isang tuka? Lock down po at no work no pay Rin Ang karamihan at ubos narin Ang ipon nila. Gusto nyo po bang ipakita nila Ang payslip nila para makita nyo Kung ilang libo Ang bawas sa sahod nila na ibibigay nyo Lang Ng Walang pangundangan sa “poorest of the poor”? Wala pong problemang mamigay pero dun tayo SA deserving.

Basa bago react!
5.1. 4ps, Ang karamihan sa binibigyan at binigyan nyo 4ps ay yung mga pamilyang:
5.1.1, may bisyo, nagsisigarilyo, nag-iinom, nagsusugal, Hindi nakapagpatapos nga mga anak(dapat lahat Hindi 1,2,3 sa limang nag_aaral) kahit high school Lang Sana Kung Dina talaga kaya

Hindi ko po sinasabing ibigay nyo sa mga perpektong tao, pero ibigay nyo sa mga taong walang bisyo.

6.Social Amelioration Program, Ang binigyan at binibigyan nyo Lang Ng SAC form ay Yung mga “poorest of the poor”,
Paano si middle class?

Dapat po siguro ay magkaron Ng equal distribution SA paraan na dapat pantay pantay matatanggap Ng Bawat pamilya ng rasyon ano man Ang estado Ng buhay at bilang Ng pamilya.(maraming middle class Ang naiingit sa madaming anak na Hindi nila makuhang gayahin dahil mas pinipilit nila Ang mabuhay na naayon sakanilang Kita(pero Ang supporta NASA mga taong IRESPONSABLE na gumagawa Ng basketball team.

  1. Wag nyo Sana ipagsigawan na lahat mabibigyan Ng ayuda Kung Hindi naman kaya.

Pero Nagpapasalamat PO ako dahil Hindi na Kayo natutulog para malutas Ang problem pero sana humugot Kayo Ng ilang mahihirap na Tao at hingian nyo Ng idea Kung paano mababalanse Ang pagtakbo Ng buhay.

Ps: Trillion ang pera ng bansa, sana magamit ito sa tama.

Maraming Salamat,
Kababayan

Leave a comment